Ang sakit ng ulo ko today. Masama pala yung ilang linggo kang petiks sa trabaho tas bigla kang bibigyan ng ipo-program na may kasamang whole, decimal at sign numbers. Ang malupit pa nyan bibigyan ka ng error message ng talipandas na compiler na hindi sila numbers….Urrrrrggghhh!
Since matagal din akong di nagpost at ayoko rin namang iumpog ulo ko sa desk (masakit eh), kwento na lang ako ng isa sa mga events na pinuntahan ko since my last post (long overdue na to).
19th Trans Sport Show
Since nagpapraktis ako ng aking photography at sawa na rin akong kunan ang mga action figures, pusang kalye at ang aking mga tropang masakit na ang panga sa kakangiti, ay napagpasyahan kong maghanap ng event na pwedeng icover.
Pagkatapos ng aking masigasig na paghahanap at pagtatanong kay Google at sa mga kakilala ay natagpuan ko ang 19th Trans Sport Show sa Megamall.
Kasama ang tropa kong si Oliver ay binuo namin ang aming maiitim na balak na kunan ang mga models este… tsikot. Baon ang aking camera at super lupet na touchscreen samsung phone ni Oliver (mahihiya ang canon at nikon) ay nagkita kmi sa megatrade kung saan ang venue ng event.
Pagkapasok namin sa loob ay doon na nga tumambad samin ang mga kotseng di namin kayang i-afford. Karamihan sa mga featured cars sa event ay old models pero parang spare parts ng NASA ang loob.

Plymouth

Nissan Silvia

Sabi ko naman senyo luma eh…
Siyempre, may mga bagong models na pag-minaneho mo ay kamukha mo na si Tony Stark

Audi

Honda

Tsikot muna ni Tony.. next time na yung Iron man armor
At dahil kakakulit sakin ni Oliver ay NAPILITAN akong kunan ang mga models.

Ilan beses namin cyang binalikan… pramis!

Jem Milton… sikat siya sa mga carshows. Check nyo to Jem profile

Gwen Ceridwen… kung siya gasoline girl ko bibili na ko ng kotse at magpapagasolina kahit full tank. Gwen profile
Nagpapicture din kmi kasama yung mga models pero di ko na papakita (hiya ako eh). Basta ang masasabi ko lang eh kagalang-galang kmi habang nagpapapicture.. habang may hawak na condom (nagpopromote ng primiere condom yung mga models).
Kung gusto nyo ng additional info eh i-access lamang ang Brainspark na blog ni pareng Oliver. Para sa whole album ng mga pinost na pictures ko dito eh i-access ang aking picasa account.
Recent Comments